Subscribe to Zinmag Tribune
Subscribe to Zinmag Tribune
Subscribe to Zinmag Tribune by mail

Monday 28 September 2009

Sherwin - Bumaligtad Ang Sikmura

MARAMING nagtaka kung bakit sa tinagal-tagal niyang artista ay ngayon lang nanalo si Sherwin Ordoñez ng Best New Movie Personality sa Star Awards for Movies this year (para sa indie flick na Kurap).
Sa siyam na taon niya sa showbiz ay hindi pa pala siya nakagawa ng pelikula at first movie niya ang Kurap, na siya ang bida.
Puro TV shows lang daw kasi ang ginawa niya noon at dahil visible siya sa TV, akala ng marami ay nakagawa na siya ng pelikula.
Si Roni Bertubin ang nagdirek ng Kurap. Ito rin ang direktor ng Last Viewing kung saan kasama rin sa cast si Sherwin bilang kapatid ni Janice de Belen.
Nakatakda ring gawin ni Sherwin ang bagong gay flick mula sa DMV Entertainment na I Love Dreamguyz. Isa itong dance movie na may halong kabadingan. Kasama niya rito sina Jao Mapa, Marco Morales, Mhyco Aquino at ilang mga baguhan.
Kung sa Kurap ay ang sexy starlet si Raja Montero ang ka-love scene ni Sherwin, sa I Love Dreamguyz ay may gay love scene sila ni Jao Mapa.
Nu’ng mabasa ni Sherwin sa script ang tungkol doon ay bumaglitad ang sikmura niya at feeling niya ay parang hindi niya kakayanin ang nasabing eksena na first time niyang gagawin.
Sigurado raw na walang daya ‘yon dahil si Joel Lamangan ang direktor nila. Pareho na silang may asawa at anak ni Jao. Kailangan niyang magpapayat dahil mga bagets ang kasama nila sa Dreamguyz.
Dalawa na ang anak ng 31-anyos na si Sherwin. Ang panganay niyang lalake na si Jam (9 y/o) ay nag-aaral sa Ateneo at ang pangalawang si Alyza (5 y/o) ay sa Miriam College pumapasok. Mahal ang pag-aaral ng mga ito kaya kailangan niyang kuma­yod nang husto.
May raket si Sherwin na pagtuturo ng dance workshop sa GMA Artist Center kapag summer at sembreak.
Meron din siyang negosyo na Ewong’s resto-bar sa may Malate (ka-partner ang aktor na si Alan Paule) at isa pang comedy bar.
Ang misis ni Sherwin na si Alice ay nasa Japan dahil lead singer ito ng isang show band. Siya ang nag-aalaga sa mga anak nila habang wala ang nanay ng mga bagets.



by (ALLAN DIONES)
Tonite

No comments:

Post a Comment

Featured Video

Featured Video

PINOY STORIES